Linggo, Oktubre 27, 2019

Ang "Ako ang Daigdig" ni Alejandro G. Abadilla at ang "Tayo ang Daigdig" ng U.S.A. for Africa


ANG "AKO ANG DAIGDIG" NI ALEJANDRO G. ABADILLA AT ANG "TAYO ANG DAIGDIG" NG U.S.A. FOR AFRICA
Maikling sanaysay at salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Nitong Oktubre 19-20, 2019 ay nagkaroon ng palihan o workshop upang mabuo ang isang cultural network sa loob ng kilusang pangkarapatang pantao.

May mga mang-aawit, makata, manunulat, mananayaw, at aktibistang dumalo. Nariyan ang mga kasapi ng Teatrong Bayan, Teatro Pabrika, at Teatro Proletaryo. Nariyan ang mga gitarista. Karamihan ay mga kasapi ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) at In Defense of Human Rights and Dignity Movement (IDefend), kung saan sila rin ang nag-inponsor ng nasabing aktibidad.

Binuo ang apat na pangkat ng palihan para sa apat na napiling paksa. Sa ikalawang araw ay pagpaplano, at napag-usapan ditong gumawa ako ng salin ng We Are The World. Iminungkahi ito ni Ate Evelyn ng Teatro Pabrika. Gagamitin daw ito sa araw ng karapatang pantao sa Disyembre 10, 2019.

Dahil dito, inumpisahan kong isalin ang awiting We Are The World o Tayo ang Daigdig. Naalala ko tuloy ang tula ng sikat na makatang nag-umpisa ng modermismo sa panulaan sa Pilipinas, si Alejandro G. Abadilla. dahil sumikat noon ang kanyang tulang AKO ANG DAIGDIG (sa Ingles ay I Am The World) noong kanyang kapanahunan.

Halina't basahin ang tulang "Ako ang Daigdig" ni AGA.

AKO ANG DAIGDIG

ako

ang daigdig

ako

ang tula

ako

ang daigdig

ang tula

ng daigdig

ako

ang walang maliw na ako

ang walang kamatayang ako

ang tula ng daigdig

Sa tulang ito sumikat ang pangalan ni Abadilla nang sinulat niya ito noong 1940 na nalathala sa magasing Liwayway, at kasama sa nalathala niyang aklat noong 1955. Noong una'y tinanggihan ng mga kritiko ang nasabing tula dahil hindi ito sumusunod sa tradisyonal na tula na gumagamit ng sukat at tugma. Ayon sa isang lathalain, "Maituturing ang tulang “Akó ang Daigdíg” bilang pinakatanyag na likha ni Alejandro G. Abadilla, na siyáng kinikilálang “Ama ng Makabagong Panulaang Tagalog.” Una itong nalathala sa Liwayway noong 1940. Kabilang ito sa unang aklat ng mga tula ni Abadilla, ang Ako ang Daigdig at Iba Pang Tula (1955)."

Ang awiting "We Are The World" (na isinalin kong "Tayo ang Daigdig") ay isang awiting nilikha noong Enero 28, 1985 at sama-samang kinanta ng mga kilalang mang-aawit sa Estados Unidos, na karamihan ay itim. Ginawa nila ito bilang tugon sa matinding taggutom sa Africa. Tinawag ng mga mang-aawit ang kanilang sarili na USA for Africa (United Support of Artists for Africa). Ang "We Are The World: The Story Behind the Song" ay isang dokumentaryong tinalakay kung paano isinulat ang kanta, kung paano hinikayat ng prodyuser na si Quincy Jones at mga manunulat na sina Michael Jackson at Lionel Richie ang ilan sa mga pinakasikat na mang-aawit sa Amerika na ibigay ang kanilang serbisyo para sa proyekto.

Kasama sa mga nagsiwawit sina Ray Charles, Bruce Springsteen, Tina Turner, Bob Dylan, Stevie Wonder, Billy Joel, Willie Nelson, Paul Simon, Bette Midler, Diana Ross, at marami pa. Umano'y nasa sampung milyong kopya ng awit ang naibenta sa buong mundo.

Kaya nang sabihan ako sa cultural workshop sa karapatang pantao na isalin ang We Are The World ay agad kong tinanggap. Isang malaking karangalan sa akin na ako ang pinagtiwalaang magsalin nito sa wikang Filipino.

Narito naman ang aking salin ng We Are The World:

TAYO ANG DAIGDIG
ng United Support of Artist for Africa
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Darating ang panahong tutugon tayo sa tiyak na panawagan
Upang ang sangkatauhan ay magsama-sama bilang isa
May mga taong namamatay
At panahon nang akayin sila sa buhay
Na pinakadakilang handog sa lahat.

Hindi tayo maaaring magpanggap araw-araw
Na sinuman, saanman, ay may pagbabagong magaganap
Tayo'y bahagi ng malaking pamilya ni Bathala
At ang katotohanan, alam mo ba
Tanging pag-ibig ang ating kailangan

Tayo ang daigdig
Tayo ang mga anak
Tayo ang nagbibigay liwanag sa buhay
Kaya, simulan na nating magbigay.

May pinipili tayong magagawa
Upang sagipin ang sariling buhay
Tunay nang mas mabuting araw ang malilikha natin,
Ng ikaw lang at ako.

Puso mo'y ipadala sa kanila upang batid nilang may nagmamalasakit
At nang buhay nila'y mas lumakas at maging malaya
Tulad ng pinakita ng Diyos sa atin na bato'y ginawang tinapay
kaya tulong nating lahat ay ialay.

Tayo ang daigdig
Tayo ang mga anak
Tayo ang nagbibigay liwanag sa buhay
Kaya, simulan na nating magbigay.

May pinipili tayong magagawa
Upang sagipin ang sariling buhay
Tunay nang mas mabuting araw ang malilikha natin,
Ng ikaw lang at ako.

Pag dama mo'y pagkasawi't wala na
Na tila wala nang pag-asa
Ngunit kung maniniwala ka lang
Walang dahilang bumagsak tayo
Kaya nga 
Mababatid nating darating ang pagbabago
Kung sama-sama tayong titindig bilang isa

Tayo ang daigdig
Tayo ang mga anak
Tayo ang nagbibigay liwanag sa buhay
Kaya, simulan na nating magbigay.

May pinipili tayong magagawa
Upang sagipin ang sariling buhay
Tunay nang mas mabuting araw ang malilikha natin,
Ng ikaw lang at ako.

Kung si AGA ay may "Ako ang Daigdig" na sikat niyang tula, ang "We Are The World" naman ay sikat na awitin sa buong mundo. Subalit ang bersyon nito sa wikang Filipino ay aawitin pa ng cultural network na nabuo, at sana'y maibidyo ito, mapanood, at maiparinig sa higit na nakararami, dahil sa mensaheng taglay nito. At nawa'y matuloy ang pag-awit nito sa pagkilos sa darating na ika-72 anibersaryo ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao.

Pinaghalawan:
https://genius.com/Usa-for-africa-we-are-the-world-lyrics
https://en.wikipedia.org/wiki/We_Are_the_World
https://en.wikipedia.org/wiki/Alejandro_G._Abadilla
https://philippineculturaleducation.com.ph/aklatang-bayan-2/

Martes, Setyembre 17, 2019

Bukas na liham sa mga magulang ng aktibista

BUKAS NA LIHAM SA MGA MAGULANG NG AKTIBISTA
Mula sa kolum na EAGLE EYES ni Tony La Viña
7 September 2019, The Standard
Malayang salin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr.

Sinulat ko ito para sa lahat ng magulang na may mga anak na aktibista. Isinulat ko rin ito sa aking mga kapwa guro na may mga estudyanteng aktibista.

Isa akong estudyante’t kabataang aktibista noong ako'y nasa hayskul at kolehiyo. Ako ngayon ay isang abogadong pangkalikasan na kumikilos sa internasyonal, isang manunulat at iskolar, isang panlipunang negosyante, at isang propesor ng batas, pilosopiya at pamamahala sa labing-isang pamantasan sa Pilipinas at maraming iba pang institusyon sa pag-aaral tulad ng Philippine Judicial Academy at ilang seminaryong Katoliko. Sa nakaraang apatnapung taon, hinawakan ko ang mga nangungunang panlideratong posisyon sa gobyerno, mga organisasyon sa internasyonal, pang-akademiko, propesyonal, at samahan ng mamamayan.

Utang ko ang aking propesyonal na tagumpay sa aking pagiging isang estudyante at kalaunan bilang isang panlipunang aktibista, lalo na bilang tagapagtaguyod ng kapaligiran at karapatang pantao. Dahil sa pakikipag-ugnayan ko sa mga pinakamalalaking isyu ng ating bansa at sa daigdig, nakakuha ako ng kaalaman, kasanayan, karanasan, talakupan (network), at karunungang nagdala sa akin sa kung nasaan ako ngayon.

Kasama na rito ang pagiging magulang ng mga kabataang may taya (commited) upang itayo ang isang mas magandang bansa, isang mas makatarungan at masayang lipunan - sa isang salita, aktibista.

Kamakailan, nakita natin ang pagtatangka ng ilang personalidad sa pamahalaan kabilang ang mga senador na maka-administrasyon, mga miyembro ng mababang kapulungan, at yaong may matataas na katungkulan sa militar at pulisya upang gawing krimen ang pagiging kasapi ng militanteng organisasyon at upang buhayin ang batas ng anti-subersyon na napawalang-bisa noong panahon ni Pangulong Ramos. Alam nating lahat, ang mga ligal na hakbang na ito’y matagal nang itinakwil bilang labi ng mapanupil na pamumuno ng rehimeng Marcos.

Alam nating lahat na tulad ng pinakamadilim na panahon ng batas militar, ang mga hakbang na ito'y walang ibang layunin maliban sa panggigipit sa mga lehitimong tinig ng protesta at oposisyon hanggang sa nararamdamang pang-aabuso at maling paggamit ng kapangyarihan. Bilang mga magulang, labis kaming nag-aalala na sa panahong ito kung saan lumaganap ang klima ng takot sa ating lipunan, kung titingnan ang libu-libong patay na ngayon bunga ng brutal na kampanya kontra-droga, at libu-libo pang mga hindi nalutas na ekstra-dyudisyal na pagpaslang, natatakot kaming ang aming mga anak ay maaaring mapabilang bilang bahagi ng kakila-kilabot na istadistikang ito, alinman dahil sila'y nabilanggo, naging biktima ng pagmamaltrato o baka mas masahol pa.

Maraming kabataan ang naging martir noong madilim na panahon ng diktadura, na lahat sila sa ngayon ay itinuturing nating bayani. Subalit wala sa amin bilang magulang ang nais itong mangyari sa aming mga anak.

Bagaman ang mga alalahanin namin bilang mga magulang ay maaaring lehitimo at ang aming mga takot ay di basta maipagkikibit-balikat lamang, dapat nating mapagtantong ang ating mga anak ay nasa hustong gulang na at mayroon nang kakayahang maging kritikal at may malayang pag-iisip at mas mahusay na paghuhusga. Maaaring may panahong ang ilan sa atin ay di nila nakakasundo sa kanilang pulitika, o sa pag-unawa sa ilang mga bagay na nangyayari sa kanilang paligid. Subalit magtiwala tayo sa kanilang paghuhusga. Kasama na rito ang pagtitiwala sa kanilang kakayahang makagawa ng kamalian. At kapag nagkamali sila, dapat naroon tayo upang matulungan sila - hindi ang murahin sila, hindi ang magalit sa kanila, kundi higit na mahalin sila.

Para lang nakatitik, naniniwala akong ang paraan pasulong para sa anumang lipunan upang malutas ang mga salungatan ay sa pamamagitan ng diyalogo at pinagkasunduan. Matagal ko nang tinalikuran ang matinding ideolohiyang balangkas o pagtatatak sa sinumang tao o pangkat ng mga tao bilang mga kaaway ng estado o ng mamamayan. Nagtuturo ako at nagpapayo sa mga aktibistang may iba’t ibang ideyolohikal na paniniwala; nagtuturo rin ako at nagpapayo sa mga opisyal ng militar at pulisya (ang ilan ay may mataas na ranggo), sa isang henerasyon ng mga negosyanteng panlipunan, mga opisyal mula sa lahat ng sangay ng pamahalaan, at maraming bilang ng mga pari at relihiyoso.

Kinokondena ko ang lahat ng anyo ng karahasan at paglabag sa karapatang pantao - gawa man ng estado o ng iba pang mga grupo sa lipunan. Para sa akin, walang makakapagbigay-katwiran sa pagpapahirap o pagpatay sa isang adik sa droga, pinuno ng magsasaka, organisador ng unyon, tagapagtanggol ng karapatang pantao, abugado, hukom, mamamahayag, opisyal ng gobyerno, pulis, o kawal.

Ang tiyak, minsan ay di ako sang-ayon sa mga taktika at posisyon ng mga aktibistang nakakasalamuha ko, kasama na ang mga personal na malapit sa akin. Ngunit ang mas mahinahong paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga hindi pagkakasundong ito, kung mayroon man, ay gabayan sila, at bigyan sila ng payo sa kung ano ang pinaniniwalaan natin sa ating mga puso, ang tamang landas na kanilang gagawin.

Kung ang mga bata ay nasa panahong tinedyer pa lang, o mga menor de edad, natural na ang mga magulang ang mag-utos at manduhan sila kung ano ang dapat gawin at dapat nilang sundin kung itatanim lamang ang disiplina at itanim sa kanilang isip ang mga mabubuting kaugalian. Ngunit habang lumalaki ang ating mga anak, nagsisimula na nilang mabuo at linangin ang kanilang sariling pang-unawa sa mga bagay-bagay, naiimpluwensyahan na rin, ng kanilang pamilya, pakikipag-ugnayan, pisikal at panlipunang kapaligiran. Ang pinakapangit na bagay na gagawin natin ay kapag hindi natin pinahihintulutan ang mga ito, inaakusahan silang nakulapo ang utak, o inagaw ng mga militanteng organisasyon na sa katunayan ay nagbigay sa kanila ng mga kagamitan at pamamaraan upang makagawa ng pagkakaiba.

Maraming mga bata, dahil sa iba't ibang mga panloob at panlabas na impluwensya, ay maaaring mas naggigiit ng kanilang karapatan, mas sensitibo sa kawalang-katarungan at pang-unawa sa di pagkakapantay-pantay sa lipunan na nasa paligid nila kaysa sa iba, at hindi nasisiyahan na umupo ng nakatunganga at maghintay ng darating na pagbabago kundi laging handang kumilos upang itama ang kanilang pinaniniwalaang mali; samakatuwid, sila ang ating mga anak na piniling maging aktibista para sa pagbabago.

Sila ang mga kabataan, ang ating mga anak na lalaki at babae, na lumalahok sa mga rali, kilos protesta at demonstrasyon sa mga paaralan, lansangan, sa harap ng mga tanggapan ng pamahalaan, dayuhang embahada o kung ano pa man. Sila ang ating mga anak na nagpapahayag ng kanilang pagsalungat laban sa pagtaas sa singil sa matrikula, pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing bilihin, laban sa isang kalabang dayuhang gobyerno, opisyal na pang-aabuso at katiwalian at iba pang nauugnay na mga panlipunan at pampulitikang isyu.

Sinusuportahan ko ang mga kabataang ito pag nagsasalita sila ng katotohanan sa kapangyarihan. Ang katotohanan, kung iisipin kung nasaan ako ngayon at ang mga ugnayang mayroon ako, di ako magiging matapat tulad nila.

Tingnan ang mga kabataan ng Hong Kong! Magiging mas mahusay na Pilipinas tayo kung ang antas ng ating mga aktibista ay lumobo rin tulad ng paraang iyon.

Upang maibulalas ang mga hinaing at upang maipahayag ang opinyon at pananaw ng isang tao sa ilang mga bagay, kahit na ang mga ito ay hindi nasasang-ayon sa nasa-kapangyarihan at sa pakialamerong elitista, ay isang garantisadong karapatan at protektado ng ating mga batas, di man banggitin ang konstitusyon, ang pangunahing batas ng bansa. Mahalagang sangkap ito ng bawat gumaganang demokrasya na pahintulutan ang ating kabataan na maipahayag ang kanilang mga palagay at saloobin. Ang pigilan ang mga pangunahing kalayaang ito ay kontra-demokratiko at direktang salungat sa mga prinsipyo kung saan itinatag ang bawat sibilisadong lipunan.

Si Kailash Satyarthi, na nagkamit ng Gawad Nobel hinggil sa kapayapaan, na kumakatig sa kapangyarihan ng kabataan, ay minsang nagsabi: "Ang lakas ng kabataan ang karaniwang kayamanan para sa buong daigdig. Ang mukha ng mga kabataan ang mukha ng ating nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Walang bahagi ng lipunan ang maaaring tumugma sa lakas, ideyalismo, sigasig at katapangan ng mga kabataan. ”

Sa parehong kalagayan, ang kabataan ang palaging katalista o sanhi ng pagbabago sa bawat panahon ng kasaysayan ng ating bansa. Tulad ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal na noon pa napagtanto at sinipi ang kanyang sinabing kahit na sa panahon na ang nasyonalismong Pilipino ay nasa yutong nagsisimula pa lang: "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan".

Sa minamahal naming mga magulang at guro ng ating mga estudyante't kabataang aktibista, huwag tayong matakot! Magkasama nating hangaan ang mga kabataan natin ngayon - ang kanilang katapangan at ideyalismo, ang kanulang kakayahang mag-isip para sa kanilang sarili, ang kanilang pagtaya para sa isang mas mabuting Pilipinas at daigdig. Bilang mga magulang at guro, huwag natin silang hilahin o pigilan, ngunit samahan sila, suportahan sila, sa katunayan ay magmartsa at tanganan ang linya kasama nila kung kinakailangan.


'Open letter to parents of activists'
EAGLE EYES – Tony La Viña
7 September 2019, The Standard

I write this for all parents who have children that are activists. I also write this to my fellow teachers who have students who are activists.

I was a student and youth activist in my high school and college days. I am now an international environmental lawyer, a writer and scholar, a social entrepreneur, and a law, philosophy and governance professor in eleven Philippine universities and several other learning institutions like the Philippine Judicial Academy and some Catholic seminaries. In the last forty years, I have held top leadership positions in government, international organizations, academic, professional, and citizen organizations.

I owe my professional success to my being a student and later as a social activist, in particular as an environmental and human rights advocate. Because of my engagement in the biggest issues of our country and world, I acquired knowledge, skills, experience, networks, and wisdom that has brought me to where I am today.

That includes being a parent of young persons who are committed to build a better country, a more just and happy society – in a word, activists.

Recently, we have seen attempts by certain personalities in government including pro-administration senators, members of the lower house and ranking military and police personnel to criminalize membership in militant organizations and to revive the Anti-Subversion law which had been repealed during the time of President Ramos. As we are all too aware, these legal measures had long been repudiated as vestiges of the Marcos repressive rule.

We all know that much like during the darkest days of the Martial Law era, these measures have no other purpose than to stamp down legitimate voices of protest and opposition to perceived abuse and misuse of power. As parents, we are doubly concerned that in these times when a climate of fear have so permeated our society given the thousands who are now dead as a result of the brutal anti-drug campaign, and thousands more of unresolved extra-judicial killings, we are fearful that our children might be counted as part of this horrible statistic, either because they end up in prison, become victims of maltreatment or worse.

Many young people were martyred during the dark days of the dictatorship, all of whom we now hail as heroes. But none of us parents want that for our children.

While our concerns as parents may be legitimate and our fears cannot simply be shrugged off, we must also be aware that our children are of majority age and are perfectly capable of critical and independent thinking and better judgment. Some of us may not be in agreement at times with their politics, or perceptions of certain things that are happening around them. But we must trust their judgment. That includes trusting also in their ability to make mistakes. And when they make mistakes, we should be there to help them – not scold them, not get angry with them, but love them even more.

For the record, I believe strongly that the way forward for any society to resolve its conflicts is through dialogue and consensus. I have long ago abandoned rigid ideological frameworks or labeling any person or group of persons as enemies of the state or people. I teach and mentor activists of all ideological persuasions; I also teach and mentor military and police officials (some already with high rank), a generation of social entrepreneurs, many officials from all branches of government, and quite a number of priests and religious people.

I condemn all forms of violence and violations of human rights – whether by the state or by other groups in society. For me, nothing can justify the torture or killing of a drug addict, a peasant leader, a union organizer, a human rights defender, a lawyer, a judge, a journalist, a government official, a policeman, or a soldier.

For sure, I sometimes disagree with the tactics and positions of the activists I engage with, including those personally close to me. But the more prudent way of approaching these disagreements, if any, is to guide them, and give them advice on what we believe in our hearts is the right path for them to take.

When children are still in their teens, or minors, it is natural for parents to command and order them what to do and they have to obey if only to instill discipline and inculcate in them good values. But as our children grow into adulthood, they begin to form and cultivate their own perception of things, influenced, as it is by their familial, relational, physical and social environments. The worst thing we do is when we disempower them, accused them of being brainwashed, or being kidnapped by militant organizations that have in fact provided them with the tools and avenues to make a difference.

Many children, because of these varying internal and external influences, may be more assertive of their rights, more sensitive of injustice and perceptive of the social inequality that surround them than others, and are not contented to sit idly and wait for change to come but are always willing to take action in order to make right what they believe is wrong; hence, these are our children who opt to become activists for change.

These are the young people, our sons and daughters, who participate in rallies, mass protests and demonstrations in schools, streets, in front of government offices, foreign embassies or what not. These are our children who voice out their opposition against tuition fee hikes, rising prices of oil and commodities, against a hostile foreign government, official abuse and corruption and other relevant social and political issues of the day.

I support these young people when they speak truth to power. The truth is, given where I am now and the relationships I have, I cannot be as honest as them.

Look at the young people of Hong Kong! We would be a better Philippines if our ranks of activists would swell in the same way.

To ventilate grievances and to express one’s opinions and views on certain things, even if these may be unsavory to the power-that-be and the entrenched elite, is a guaranteed right and protected by our laws, not to mention the constitution, the fundamental law of the land. It is a vital component of every working democracy that our youth be allowed to air their opinions and grievances. To curtail these basic freedoms is anti-democratic and antithetical to the principles for which every civilized society is founded.

Noble peace prize recipient Kailash Satyarthi endorsing the power of the youth once said: “The power of youth is the common wealth for the entire world. The faces of young people are the faces of our past, our present and our future. No segment in the society can match with the power, idealism, enthusiasm and courage of the young people.”

In the same vein, the youth has always been a catalyst of change in every epoch of our country’s history. As our national hero Dr. Jose Rizal long ago realized and was quoted saying even during a time when Filipino nationalism was still at a nascent stage: “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. (“The youth is the hope of our nation.”)

Dear parents and teachers of our student and youth activists let us not be afraid! Together let us be in awe of our young people today – their courage and idealism, their ability to think for themselves, their commitment to a better Philippines and world. As parents and teachers, let us not pull them back or restrain them, but be with them, always support them, in fact march and hold the line with them if necessary.

Biyernes, Agosto 30, 2019

Bakit kami mga aktibista: Bukas na liham sa lahat ng magulang

Bakit kami mga aktibista: Bukas na liham sa lahat ng magulang
Philippine Daily Inquirer, Agosto 29, 2019
Malayang salin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr.

Walang alinlangang tayo'y nasa panahon ng ligalig. Lahat ng hintuturo mula sa pamahalaan at masmidya ay tila nakaturo sa mga estudyanteng aktibista bilang "salot ng bayan" sa pinakamabuti, at tagakalap ng kasapi ng rebeldeng grupong komunista sa pinakamasahol. Alam naming maaari ninyong maramdamang dapat ninyo kaming protektahan mula sa galamay ng ating kasundaluhan, kapulisan, at iba pang elemento ng estado sa pamamagitan ng pagsira ng aming loob mula sa pagtungo sa mga lansangan... ngunit nais naming maglaan kayo ng panahon upang maunawaan kung bakit sa pangunahin ay naging aktibista ang inyong mga anak.

Nananahan ang inyong mga anak sa daigdig kung saan sa bawat sulok ng kanilang mga mata, ay napapalibutan sila ng mga resulta ng isang lipunang hinati-hati ng di mapigil na kapitalismo.

Sa kanang bahagi nila, nahaharap sila sa mga pulitikong hindi iniisip ang mga taong dapat nilang paglingkuran. Oras-oras, binibigo sila ng mga taong ginawang karera ang serbisyo-publiko, ang pangunahing gawain nila'y pagsilbihan ang elitistang iilan: ang mga kapitalista, mga asendero at dayuhang kapitalista at pulitiko. Sa mga lansangan, pagala-gala sa paligid ang mga elemento ng estado upang patayin ang mga walang malay na mamamayang dukha, gumagamit man ang mga ito ng droga o hindi, sa ngalan ng digmaan laban sa droga na nagsisilbing balatkayo para sa katangiang kontra-maralita nito. Sa aming magandang katangian, pinipiga ng malalaking multinasyunal na kumpanya ng pagmimina ang mga lupa hanggang matuyo ito sa likasyaman habang nagsisilikas ang daan-daan hanggang libu-libong naninirahan doon. At higit sa lahat, sa tuktok ng ating sistemang pampulitika, mayroon tayong pinakabastos, mapagkunwari, elitistang reptilo, tulad ni Pangulong Duterte, na pinahintulutang mangyari ang lahat ng mga kagaguhang ito sa pama
magitan ng pagtatanggol sa kasalukuyang kaayusang labis na mapang-api at hindi demokratiko.

Sa kanilang kaliwa naman, nahaharap sila sa malawak na uri ng masang manggagawa, na sa pinakamalalang kalagayan ay tumindig at sama-samang ipinaglaban ang kanilang mga karapatan sa isang lipunang mapang-api na pinamamahalaan ng iilan. Mula sa mga unyon sa paggawa at mga grupo ng kababaihan hanggang sa mga grupong makakalikasan, mga pangkat ng LGBTQ + at marami pang mula sa inaaping sektor sa lipunan; na inilarawan ng mga kakila-kilabot na pangyayaring dinala ng pasistang administrasyong Duterte, ipinagtatanggol nila ang kanilang mga karapatan laban sa lahat ng anyo ng karahasang idinulot sa kanila - maging ito'y propaganda ng kasinungalingan, digmaang sikolohikal o pisikal na karahasan. Kahit na sila'y maaaring maging malakas, sila'y kulang sa bilang at napaglalangan ng malakas ng kaaway na tangan ang kayraming pera at pampulitikang puhunan upang mahadlangan ang karamihan sa kanilang makatarungan at lehitimong panawagan.

Sa isang lipunan ng mapagsamantala at pinagsasamantalahan, kaninong panig ang pipiliin mo? Ito ang batayang katanungang kinakaharap naming mga estudyanteng aktibista sa araw-araw.

Lumahok kami ng tiyakan sa aktibismo ng mga estudyante dahil sa aming mga natutunan sa umpisa pa lang: na kami'y tinuruang mahalin ang ating kapwa’t kababayan at manindigan kung ano ang tama.

Maaaring di namin ganap na maunawaan ang bawat isa, ngunit inaasahan naming mauunawaan ninyong mas malaki pa sa amin ang aming ipinaglalaban bilang mga estudyanteng aktibista. Inaasahan namin na isang araw — sa sandaling matapos na ang pakikibaka, at ang dating daigdig ng karahasan, kasakiman at pang-aapi ay mapalitan ng isang daigdig ng tunay na kapayapaan, pag-ibig at pagpapalakas sa mamamayan - magagawa na ninyong lingunin kaming muli, kaming inyong mga anak, at mapuno ng pagmamalaki dahil sa aming mga nagawa.

SAMAHAN NG PROGRESIBONG KABATAAN,
progresibongkabataan@gmail.com


https://opinion.inquirer.net/123599/why-we-are-activists-an-open-letter-to-all-parents

Why we are activists: An open letter to all parents
Philippine Daily Inquirer
August 29, 2019

These are undoubtedly scary times. All fingers from our government and mass media seem to point to student activists as “salot ng bayan” at best, and recruiters for communist insurgent groups at worst. We know that you may feel that you have to protect us from the hands of our military, police and other state elements by discouraging us from taking to the streets… but we wish you would take time to understand why your children have become activists in the first place.

Your children live in a world where in each corner of their eyes, they are surrounded by the results of a society that has been divided by unbridled capitalism.

On their right, they are faced with politicians who think nothing of the people they are supposed to serve. Time after time, they are failed by those who’ve made public service a career, the primary trade of which is serving the elite minority: capitalists, hacienderos and foreign capitalists and politicians. On the streets, state elements roam around to kill unsuspecting poor citizens, whether they are drug users or not, under the name of a drug war that serves as a guise for its antipoor nature. In our beautiful nature, massive multinational mining companies suck the earth dry of resources at the expense of displacing hundreds up to thousands of people. And to top it all off, at the top of our political system, we have the most vile, misogynistic, elitist reptiles, such as President Duterte, who enable all these atrocities to happen by defending a status quo that is profoundly oppressive and undemocratic.

On their left, they are faced with the vast ranks of the toiling masses, who in the worst of conditions have stood up and fought for their rights collectively in an oppressive society ruled by the few. From labor unions and women’s groups to environmental groups, LGBTQ+ groups and more from the oppressed sectors in society; animated by the dire circumstances  brought upon by the fascist Duterte administration, they defend their rights against all forms of violence inflicted upon them—whether it be black propaganda, psychological warfare or physical violence. Though they may be strong, they are outnumbered and overpowered by an enemy who has all the money and political capital to thwart most of their just and legitimate calls.

In a society of oppressors and oppressed peoples, whose side will you choose? This is the basic question that we as student activists are faced with every day.

We engage in student activism precisely because of what we’ve been learning from the very start: that we’ve been taught to love our fellow countrymen and stand for what is right.

We may not ever come fully to understand each other, but we hope you understand that what we fight for as student activists is greater than us. We hope one day—once the struggle has ended, and the old world of violence, greed and oppression has been replaced by a world of genuine peace, love and empowerment—you will be able to look back at us, your children, and be filled with pride for what we’ve done.

SAMAHAN NG PROGRESIBONG KABATAAN,
progresibongkabataan@gmail.com

Huwebes, Agosto 22, 2019

Kaming mga aktibista'y mandirigmang Spartan

KAMING MGA AKTIBISTA'Y MANDIRIGMANG SPARTAN

kaming mga aktibista'y mandirigmang Spartan
nakikibaka, nagsasanay, naghahanda sa labanan
pinag-aaralan ang kasaysayan at lipunan
wing chun, arnis, at nagpapalakas din ng katawan

mandirigmang Spartan kaming mga aktibista
tulad ng langay-langayan, kami'y nakikibaka
tulad ng leyong niyakap ang ideyolohiya
mga armas ang materyalismo't diyalektika

tulad ng agila'y dapat matalas ang paningin
tulad ng dragon, kalaban ay aamuy-amuyin
tulad ng tigre, pulitika'y pinaiigting
tulad ng langgam, uring manggagawa ang kapiling

halina't samahan kaming magsanay at magsuri
ating organisahin ang tunggalian ng uri
at pawiin ang salot na pribadong pag-aari
dahil ang kahirapan sa mundo'y iyan ang sanhi

mandirigmang Spartan, may adhikang buong-buo
paglilingkod sa uring obrero'y mula sa puso
handang mamatay upang sosyalismo'y maitayo
patuloy ang pagkilos, mamatay man o mabigo

- gregbituinjr.

Lunes, Abril 29, 2019

Kwento - Mungkahi sa mga SK bilang mga susunod na lider ng bansa


MUNGKAHI SA MGA SK BILANG MGA SUSUNOD NA LIDER NG BANSA
Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr.

“Tila natatandaan kong sinabi noon ni Guingona na dapat mawala ang Sangguniang Kabataan o SK, kung hindi ako nagkakamali. Sinabi nga niya noon na ang mga kabataang tinedyer pa lamang ay hindi pa angkop upang maghawak ng mga responsibilidad sa pananalapi, lalo na’t may badyet na ibinibigay sa kanila.” Ani Igme sa isang huntahan dahil ang kanyang anak na si Isidro ay nais tumakbo sa SK bilang opisyal.

Dagdag naman ni Inggo, na kanyang kumpare, “Aba’y may balita nga noong nais hilingin ni Elections Commissioner Lucenito Tagle sa Kongreso na i-abolish ang SK dahil ito ay naging lunsaran ng mga political dynasty  at katiwalian.”

“Alam n’yo po ba na noong Agosto 2016 ay naisabatas na po ang bagong batas hinggil sa SK, ang Republic Act 10472, hinggil sa reporma sa SK, tulad ng hindi dapat galing sa pamilya ng pulitiko ang mga tumatakbo sa SK. Nangyayari po kasi noon, pag tatay ay meyor, ang nanay ay kongresista, ang anak naman po ay nasa SK. Binasa ko po ang batas na iyon dahil tatakbo ako sa SK.” Sabat ni Isidro na katabi ng ama.

Sumabat si Iska, na siyang natitinda sa karinderyang kinauupuan ng mga nag-uusap. “Palagay ko, hindi kasi alam ng mga senador at kongresista noon anong tamang gawin sa mga batang nais maglingkod sa bayan. Tingin nila’y mga batang pulitiko ang mga SK.”

Si Igor naman na kanina pa nakikinig ay nagsalita rin. “Ayaw kasi ng mga pulitikong iyan na matuto ang mga batang pulitiko na maging matino. Dapat binibigyan sila ng mga pag-aaral sa batang edad pa lang nila, pag naging SK na sila, hinggil sa papel ng mga kabataan sa mga nangyayari sa ating paligid. Pag naupo na sila sa SK, dapat bigyan agad sila ng mga pag-aaral, tulad ng Basic First Aid training upang makatulong na agad sila sa pamayanan, ipaunawa sa kanila ano ba ang karapatang pantao, pagsasanay hinggil sa disaster risk reduction, kung sakaling may pandemya muli o mga sakuna, tulad ng lindol at baha. Ano ang climate crisis, climate emergency, at anong dapat nating gawin? Higit sa lahat ay ang kolektibong pamumuno, iba ang lider sa boss, at ang code of conduct of public officials, upang hindi sila maging corrupt, lalo na’t may badyet ang mga kabataan para sa iba’t ibang aktibidad.”

“Iyan pa ang sinasabi ko,” ani Ines, “pulos basketball at paliga lang ang alam namin sa SK. Aba’y dapat talagang matuto sila sa isyu ng karapatang pantao sa maagang edad pa lang, upang di sila nambu-bully ng ibang kabataan. Para kasing breeding ground ng korapsyon ang SK.”

Sumagot si Igor, “Kaya nga marapat lang na mabigyan sila ng matitinong kasanayan bilang mga batang lider sa komunidad. Nang hindi sila maging korap. Sa maagang edad ay maging huwaran na sila bilang mga batang nagsisilbi ng tapat sa bayan. Di lang iyan simpleng training kundi ilalagay sa batas bilang rekisitos sa unang linggo ng pag-upo ng mga bagong SK.”

Natuwa naman si Isidro, “Tama si Tito Igor. Kung ako nga lang ay senador, isa iyan sa agad kong ipapasang batas para sa SK. Kaya lang bata pa ako. Sa SK muna ako tatakbo.”

“Dagdag ko pa,” ani Igor, “Kung sakaling makatapos ng Basic First Aid training ang isang SK, at makapasa, dapat bigyan sila ng ID ng DOH bilang first aider. Dagdag ko rin ‘yung paano ang iskedyuling ng training upang ang iba’t ibang SK sa iba’t ibang barangay ay sabay-sabay na makakuha ng pagsasanay.” At sinulat niya sa manila paper kung paano.

“Maganda iyang panukala mo, Igor,” ani Igme, “subalit paano natin matitiyak kung gagawin iyan ng pamahalaan kung nandito lang tayo sa ating barangay. Dapat maikampanya natin iyan upang maging batas.”

“Dapat po siguro ay lumapit tayo sa isang senador o kongresista ng ating bayan upang isabatas ang ganyang panukala.” Sabi ni Isidro.

“Bata ka pa, Isidro, subalit matalino ka na.” Ani Ines, “Sana nga’y manalo ka bilang SK sa susunod na SK election.”

“Salamat po. Paano po tayo magsisimula upang ‘yung mungkahi ni Tito Igor ay matupad?” Si Isidro muli.

Sumabat si Igme, “Mas maganda’y isulat mo, Igor, ang iyong mungkahi. At kausapin din natin ang ating kapitan. Matapos iyon ay lumiham tayo sa isang Senador. Ano sa tingin ninyo?”

“Sang-ayon kami.” Sabi ng mga naroroon.

* Unang nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang samahang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Abril 16-30, 2019, pahina 18-19.

Linggo, Abril 14, 2019

Ang papel ng papeles

ANG PAPEL NG PAPELES
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Sa isang hearing na aking nadaluhan minsan hinggil sa kaso ng isang lider-maralita, dumating ang mga arresting officers at may dalang warrant of arrest laban sa lider-maralitang napagbintangan. Ipinakita ng mga arresting officers ang warrant sa clerk of court bilang patunay na may arrest warrant ang nasabing lider-maralita. Sinuri ng clerk of court ang warrant, ngunit hindi inaresto ang akusado. Bakit? Nakita ng clerk of court na kumpleto ang detalye ng search warrant – nakalagay ang pangalan ng akusado, ang kaso, ang judge na pumirma, atbp. Ngunit xerox lamang ang arrest warrant, kaya sinabihan niya ang mga arresting officers na dapat ay certified true copy ang arrest warrant bago hulihin ang tao. Dahil dito, ang nasabing lider maralita ay hindi dinakip.

Sa kalakaran ng ating mundo ngayon, malaking bahagi ay papeles. Ang papeles ay anumang uri ng dokumento na nagpapatunay sa isa o maraming transaksyon o usapan. Ang mga halimbawa nito’y resibo, subpoena, sedula, lisensya, sertipiko, atbp.

Pagkapanganak pa lang, nariyan na ang birth certificate, isang papeles na nagpapatunay kung ano ang pangalan ng bata, kung saan at kelan siya ipinanganak, at sino ang tunay niyang mga magulang.

Meron ding certificate para sa binyag, kumpil, pagtatapos ng bata sa kinder, diploma, Nariyan din ang death certificate para sa mga namatay. Sa pangingibang-bansa ay naririyan ang visa at passport. Anupa’t umiinog ang ating mundo sa tambak na papeles. Sa madaling salita, dapat na may katunayan tayo ng anumang pagkakakilanlan o transaksyon upang hindi tayo maagrabyado sa anumang labanan.

Malaking bahagi ng laban ng maralita ay nakasalalay sa papeles. Sa usapin ng paninirahan, nariyan ang titulo ng lupa, resibo ng bilihan, notice for demolition, entry pass sa relocation site, atbp. Marami ang natatakot, napapalayas, o kung minsan ay namamatay, dahil sa kawalan ng papeles, at kung meron man ay pagmamaniobra naman ng malakas sa mahihina pagdating sa papeles. Halimbawa, sa Barrio Kangkong, marami ang natakot nang nakarinig na may dumating na sulat na nag-aatas umano ng demolisyon sa isang takdang panahon, gayong hindi muna ito nabasa at nasuri. Gayong ang nakasulat ay hindi demolisyon, kundi humihingi muna ng negosasyon ang may-ari, o kaya’y imbes na Barrio Kangkong ang idedemolis ay Barrio Kalabasa pala ang nakasulat, nagkamali lang ng pinadalhan. Noong 1997 sa Sitio Mendez, may demolition order na galing umano kay Mayor Mathay, pero nang suriin ang papeles, hindi iyon pirma ni Mathay at wala siyang inorder na demolisyon

Huwag tayong matakot magsuri ng papeles, dahil kadalasan buhay at kamatayan ang dulot nito ay di pa natin alam. Totoo ba ang Transfer Certificate of Title (TCT) na nasa kamay ng nagpapalayas sa inyo? Nasaliksik at nasuri nyo bang ang papeles ng nagpapalayas sa inyo ay mula sa Original Certificate of Title (OCT) hanggang sa nagpalipat-lipat na TCT? Dapat mabasa muna at masuri ng maigi ang buong papeles bago mag-panic. Para sigurado, puntahan at magsaliksik sa mga opisinang sangkot.

Hindi dapat matakot, malito, o magpanic ang sinuman, kapag nakatanggap ng anumang papeles. Ang dapat nating gawin ay suriin ito, pag-usapan ng nasasangkot, at iberipika sa kinauukulang ahensya kung gaano ito katotoo. Dahil kung hindi, baka mga manlolokong sindikato sa palupa ang magpalayas sa inyo, o kaya’y magbenta sa inyo ng lupa. Kaya ingat.

* Unang nalathala sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Abril 1-15, 2019, p.8-9

Kwento - Si Balagtas, ang Wikang Filipino at ang Buwan ng Panitikan

SI BALAGTAS, ANG WIKANG FILIPINO AT ANG BUWAN NG PANITIKAN
Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr.

Nagsidalo ang ilang lider-maralita nang maimbitahan sila sa isang talakayan sa mismong araw ng kapanganakan ng Sisne ng Panginay na si Francisco Balagtas, may-akda ng walang kamatayang Florante at Laura, at ng Orozman at Zafira. Ang tema ng talakayan ay “Bakya Ba ang Wika ni Balagtas?” na pambungad sa pagbubukas ng Buwan ng Panitikan.

Tinalakay muna ng tagapagpadaloy na si Isko kung bakit ang Abril ay naging Buwan ng Panitikan. Ani Isko, “Ang Buwan ng Panitikan ay itinapat sa buwan ng kaarawan ni Balagtas at isinabatas noong 2015 ang  Proklamasyon Bilang 968. Ngayong taon naman, isinasagawa ang Buwan ng Panitikan 2019 sa temang Buklugan Panitikan, halaw mula sa buklog, isang ritwal ng pagbubuklod at pasasalamat ng mga Subanen. Ang buklog din ay isang estrukturang kawayan, malimit na umaabot ng 20 talampakan ang taas, may sahig na parang entablado, at ginagamit na sayawan at lundagan ng mga tao kapag may pagdiriwang.”

“Ah, kaya pala ganyan ang entablado, isa pala iyang buklog.” Ani Isay sa kasama niyang si Ingrid.

Si Isko uli, “Simulan natin ang ating palatuntunan sa katanungang Bakya Ba ang Wika ni Balagtas?”

Isa sa mga tagapagsalita ay si Mang Igme, na isang lider-maralita sa Pandacan. Ayon sa kanya, “Hindi bakya ang ating wika. Hindi porke mga inglesero ang nasa pamahalaan, eh, hindi na sila gumagamit ng ating wikang pambansa. Minamaliit ba ng mga ingleserong Pinoy na ito ang wika natin at tinatawag na bakya? Aba’y hindi na sila Pinoy kundi mga banyaga na. Aba’y umalis na sila sa pamahalaan! Hindi naman natin sila kailangan kung ganyan sila at minamaliit nila ang sarili nating wika!”

Sumabat si Igor, isang lider-maralita sa Sampaloc, Maynila, “Nilait na ng matagal na panahon ang ating wika kaya sinasabi nila itong bakya. Gamit lang daw ito ng mga katulong sa mansyon ng mga mayayaman, na pawang Ingles, kundi man Espanyol, ang sinasalita. Ako nga noon, sa elementarya, may parusa ka pag nag-Tagalog ka sa klase. Hindi lang parusa, kundi magbabayad ka ng piso. Aba’y malaking halaga na iyan noon. Nangyayari pa ba ito ngayon?”

Nagtaas ng kamay si Iska, “Danas ko rin iyan noon. Pagmumultahin ka ng guro pag nagsalita ka ng Tagalog sa iskul. Hay, naku!”

Si Igme muli, “Subalit karamihan sa atin dito ay maralita. Maralitang tinuturing na bakya ng mga nasa poder. Dukhang ang tanging alam lang ay sariling wika. Dapat makakumbinsi tayo ng mga mayaman o maykaya sa lipunan na nagsasalita ng wika ng madla, o kaya’y kongresista o senador na magpapasa ng batas na igalang ang ating wika.”

Sumabat si Ines, isang lider-kababaihan sa Quiapo, “Tandaan natin ang isang nakasaad sa Kartilya ng Katipunan, na natatandaan ko pa:  Sabi roon, ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangus ng ilong at puti ng mukha; wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika.”

Napatango naman ang ilan sa sinabi ni Ines.

Nagtaas ng kamay si Inggo, mula sa isang maralitang pamayanan sa Tondo. Tinawag naman siya ni Isko. Ani Inggo, “Huwag nating sisihin ang mga inglesero dahil ipinakita lang nila ang asal nilang tunay sa atin. Huwag natin silang pag-aksayahan ng panahon. Ang mahalaga ngayon ay kung paano pa natin lilinangin at pauunlarin ang ating wikang pambansa. Ang mungkahi ko nga ay bigyang parangal natin ang mga tagapagtanggol ng ating wika, bukod kay dating Pangulong Manuel Quezon. Nariyan ang dating gurong si Teodoro Asedillo, at ang makatang si Jose Corazon de Jesus, na nakipaglaban sa mga Amerikano sa usapin ng wikang pambansa. Sila’y mga bayani ng ating wika.”

“Kayganda ng sinabi ni Inggo. Subalit paano iyan gagawin?” Ani Isko. “Ang mabuti pa’y lumiham tayo sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na dapat ay may mga bayani tayo sa sariling wika na titingalain natin, na ipinagtanggol nila noon ang ating wikang pambansa sa harap ng mga dayuhan. Kumausap na rin tayo ng mga kongresista at senador na maaaring magpasa ng batas hinggil dito.”

“Sinong magsusulat at lalagda.” Tanong ni Ines.

“Gagawin natin ang burador at lahat tayong narito ang pipirma.” Ani Isko. “Ayos ba sa inyo?” Nagtanguan naman ang mga lider-maralita.

* Unang nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang samahang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Abril 1-15, 2019, pahina 18-19.

Biyernes, Marso 29, 2019

Kwento - Mga Pagpaslang at Tokhang

MGA PAGPASLANG AT TOKHANG
Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr.

Halos libo-libo na ang napatay sa Gera Kontra Droga na inilunsad ni PRRD mula pa noong 2016, ayon sa tantya ng ilang grupo sa karapatang pantao. Napag-usapan na rin ito sa komunidad ng mag-asawang Igme at Isay. Kaya ang anak nilang sina Ingrid at Isko ay ayaw na nilang nagpapabot ng gabi sa lansangan.

Naalala pa nila ang isang taludtod sa awiting Tatsulok ng Buklod. “Totoy, makinig ka, wag kang magpagabi. Baka mapagkamalan ka't humandusay diyan sa tabi". Ito pa: “Totoy, tumalon ka, dumapa kung kailangan, at baka tamaan ka ng mga balang ligaw". At ang matindi: “Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan, at ang hustisya ay para lang sa mayaman".

“Napakarami ring namatay na batang wala pang muwang sa Gera Kontra Droga.” Ani Igme, “Nariyan ang mga batang sina Danica Mae Garcia, 5 taong gulang, at Althea Berbon, 4 na taong gulang, ay napatay. Makatwiran ba iyan, na pati mga bata’y napapatay. At ang katwiran pa nila, collateral damage lang sila.?” 

Bandang dapithapon na iyon. Hanggang maya-maya pa ay dumating na ang kanilang dalawang anak bago magdilim.

Nakilala ko rin ang isa sa mga nanay ng biktima ng EJK o extra-judicial killings. Ayon sa kanya, mabait ang kanyang anak na pinaslang ng umano’y kapulisan sa hinalang ito’y nagdodroga.

Ayon kay Aling Ines, ang kanyang anak na si Isidro ay trese anyos pa lang at masipag mag-aral. Subalit nagulat na lang siyang binaril ng mga pulis ang kanyang anak nang lumabas ito ng bahay upang bumili ng mantika sa kalapit na tindahan. Hanggang ngayon ay naghihimagsik ang kanyang kalooban sa sinapit ng anak.

Anang barangay tanod na si Mang Isko sa akin nang siya’y aking makapanayam, “Dahil iyan sa Oplan Tokhang, na umano’y pangunahing programa ng pangulo sa kanyang gera kontra droga, kung saan ang  oplan ay “plano”, tokhang ay salitang Bisaya sa pagkatok sa pinto, at ang hangyo na ibig sabihin ay pakiusap. Subalit madalas ang nangyayari ay tokbang, o toktok, bangbang. Kakatok muna saka binabaril ang kanilang puntiryang durugista.”

Ani Igme, “Kaya ang gerang iyan, sa katunayan, ay War on the Poor din talaga, dahil wala namang napapatay na malalaking isda, kundi pulos maralita. Nakagagalit talaga. Tunay nga ang sinabi roon sa awiting Tatsulok, at ang hustisya ay para lang sa mayayaman. Para lang silang pumapatay ng mga daga o manok. Tsk. Tsk.”

Sumabat si Isay, “Kaya tama lamang na lumahok kami sa malaking rali noong Pebrero 20, na ginugunita ang World Social Justice Day o Pandaigdigang Araw ng Katarungang Panlipunan, upang manawagan ng hustisya sa mga pinaslang ng walang awa, at pinagbintangan pang mga nanlaban umano kaya pinaslang. Gayong ayon sa kanilang nanay ay wala namang baril ang kanilang anak kaya paano manlalaban.”

“Magkakaroon po muli ng pagkilos laban sa tokhang at panawagang hustisya para sa mga biktima ng palpak na Gera Kontra Droga. Sa totoo lang, ang isyu ng droga ay isyu ng kalusugan, na dapat tugunan ng pamahalaan, hindi sa pamamagitan ng pagpaslang sa pasyente, kundi sa paggamot sa kanila.” Ito naman ang sabi ni Igor na kasapi ng isang grupo hinggil sa karapatang pantao. “Sa Biyernes po ng hapon ang pagkilos, Black Friday Protest po ito, na panawagan natin ay hustisya at managot ang mga berdugo. Bukod pa sa di dumaan sa due process ang kanilang ginawa.”

“Sasama muli kami, kahit di kami namatayan ng anak, ay kakilala namin ang mga namatayan naming kapitbahay.” Ani Igme.

“Sasama rin kami riyan,” ani Ines. “Katarungan sa lahat ng mga namatay at namatayan.”

Sumapit ang araw ng Biyernes, nagtalumpati si Igor, “Ang pagkilos na ito’y tuloy-tuloy na pagkondena natin sa walang awang pagpaslang sa mga walang kalaban-labang maralita. Kung may ginawa silang masama, dpaat ay ibatay sa wastong proseso. Hulihin, litisin, at ikulong. Hindi ang basta na lang patayin ng mga berdugong kapulisan dahil sa utos ng diyos nilang pangulo. Sa ngayon, tinatawagan ko si Aling Ines, na isa sa mga namatayan ng anak.”

Tumayo sa harap at nanginginig na hinawakan ni Aling Ines ang megaphone. “Katarungan sa anak kong si Isidro. Napakabata pa niya at may mga pangarap sa buhay, subalit pinatay siya ng walang awa. Sana’y managot ang mga pumaslang sa kanya, pati na ang berdugong pangulong nag-utos ng pagpaslang!” Nanggagalaiting sigaw ni Aling Ines.

Si Aling Iska naman ang tinawag, “Si Iking, na bunso kong anak ay napatay rin habang naglalaro sa labas ng aming bahay. Wala naman siyang kinalaman sa droga. Sampung taon lang siya.”

Bago matapos ang rali, luyom ang kamaong sabay-sabay silang sumigaw ng “HUSTISYA!” “Parusahan at ikulong ang mga berdugo!”

* Unang nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang samahang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Marso 16-31, 2019, pahina 14-15.

Huwebes, Marso 14, 2019

Kwento - Ang 105-Day Expanded Maternity Leave


ANG 105-DAY EXPANDED MATERNITY LEAVE
Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr.

Naikwento ni Isay na naisabatas na rin sa wakas ang 105-Day Expanded Maternity Leave Law o Batas Republika Blg. 11210 na nilagdaan ng pangulo nitong Pebrero 20. Napag-usapan nila ito nina Ingrid, Ines, at Iska sa karinderya ni Aling Inday isang Sabado ng hapon.

“Alam n'yo ba,” sabi ni Isay, “mula animnapung araw ay sandaan at limang araw na ang maternity leave nating manggagawang kababaihan.”

“Totoo ba 'yan?” Tanong agad ni Ingrid.

“Eto, o, basahin n'yo sa dyaryo. Pirmado na ang Republic Act 12210 na nagpalaki ng araw ng maternity leave.”

“Aba, ayos iyan, ah. Apatnapu't limang araw ang nadagdag.” Sambit naman ni Iska.

“Ano pang laman niyan. Pabasa nga.” Si Ines.

“Ito, basahin mo nang malakas, ha? Para dinig namin.” Iniabot ni Isay kay Ines ang pahayagan.

“Sige, basahin ko ng malakas.” Ani Ines. “Sinasaklaw ng batas na ito ang mga babaeng manggagawa sa pampubliko at pribadong sektor, kabilang ang mga nasa impormal na ekonomiya, at binibigyan sila ng karapatan sa 105 araw na maternity leave na babayaran batay sa 100 porsiyento ng kanilang arawang kita. Ang batas ay nagbibigay din ng karagdagang 15 araw na may bayad na bakasyon kung ang babaeng manggagawa ay kuwalipikado bilang solo parent sa ilalim ng Solo Parent Welfare Act of 2000, na may opsyong palawigin ng karagdagang 30 araw na walang bayad. Ayos pala ito sa tulad kong solo parent.""

“Ano pa?” Tanong ni Ingrid.

“Ito. Tinataasan ng batas ang benepisyo sa araw-araw na maternity leave mula sa unang 60 araw para sa normal na panganganak, o 72 araw para sa caesarian delivery, sa 105 araw, anuman ang uri ng panganganak. Pag nakunan naman, ang karapatan ay 60 araw ng bayad na maternity leave. Ang batas ay higit pang nagpapalawak ng maternity leave sa bawat pagkakataon ng pagbubuntis, anuman ang dalas, mula sa nakaraang limitasyon ng unang apat na panganganak o nakunan.”

Napasimangot si Inday sa pinag-uusapan at siya’y sumabat. “Ang batas palang iyan ay para sa lang sa mga sumasahod. Paano naman kaming mga maralitang hindi nakaempleyo kundi kumikita lang sa sariling kayod, tulad nitong karinderya ko. Wala naman kaming leave.”

“Iyan, Inday, ang hindi nakalagay dito,” ani Isay. “Baka may ibang batas talaga para sa maralita kaugnay nito. Iyan po ang saliksikin natin.”

“Sabagay, Inday” ani Iska, “pag nanganak naman ang tulad nating maralita, may maternity leave din tayo, hindi nga lang tulad nila, magli-leave sila sa pinapasukang trabaho nang may bayad kasi nga empleyado sila. ‘Yung atin naman bilang vendor o simpleng dumidiskarte, tulad nitong karinderya mo, anumang oras, maaari tayong mag-leave sa pagtitinda. Wala lang bayad tulad nila.” 

“At wala ring batas tulad niyan,” ani Isay.

“Teka, naiiba na ang usapan.” Ani Ingrid, “buntis ako, nais kong malaman paano ba ako makikinabang diyan sa aming kumpanya.”

“Meron dito,” ani Ines, “Eto. Basahin ko. Upang maging karapat-dapat sa nabanggit na mga benepisyo sa maternity leave, ang isang buntis na babaeng manggagawa sa pribadong sektor ay dapat na (i) magbayad ng hindi bababa sa 3 buwang kontribusyon sa loob ng 12 buwan bago ang  panganganak, o kung nakunan, o natapos na ang pagbubuntis; at (ii) abisuhan ang kanyang employer tungkol sa kanyang pagbubuntis at ang posibleng petsa ng kanyang panganganak. Ito pa ang malupit. Ang mga employer na hindi susunod sa mga probisyon ng batas ay magmumulta nang hindi bababa sa 20,000 piso o higit sa 200,000 piso at/o pagkakulong ng hindi bababa sa 6 na taon at 1 araw o higit sa 12 taon, gayundin ang hindi pag-renew ng mga business permit.”

Napabuntong-hininga si Ingrid sabay hipo sa tiyan. “Mabuti na rin iyan, kahit paano mula animnapung araw ay nadagdagan ng apatnapu’t limang araw. Kahit paano, mabuti upang makabalik ang katawan ko sa dati, at mas malusog. At makapagtrabaho muli”

“Ito pa,” ani Ines, “Iba pa ang solo parent sa may-asawa, kasi nakalagay dito, ang isang babaeng manggagawa na may karapatan sa maternity leave ay maaaring maglaan ng hanggang pitong araw ng bayad na bakasyon sa ama ng bata, bilang karagdagan sa mga benepisyong ipinagkaloob sa kanya sa ilalim ng Paternity Leave Act of 1996, kung naaangkop, kasal man siya o hindi sa babaeng manggagawa.”

“Aplikable pala iyan sa amin ng asawa ko,” Ani Ingrid, “di tulad mo na solo parent. May ibang batas pa para sa iyo.”

“Oo nga, eh. Buti nga, may Solo Parent Act na.” Ani Ines.

* Unang nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang samahang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Marso 1-15, 2019, pahina 14-15.

Miyerkules, Pebrero 27, 2019

Kwento - Ang mga marginalized o sagigilid

ANG MGA MARGINALIZED O SAGIGILID
Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr.

Nasaliksik ni Ipe, na kasama ni Inggo sa samahang maralita, na may salitang sagigilid nang nabasa niyang muli ang kasaysayan ng ating bansa noong bago dumating ang mga Kastila. Mayroon palang dalawang uri ng alipin - ang aliping namamahay at ang aliping sagigilid.

“Alam mo, Inggo, may katumbas na pala noon pa ang salitang marginalized, tulad sa marginalized sector, sa ating sariling wika. Ito ang sagigilid. Mula sa margin o gilid, ang marginalized ay sagigilid.” Ani Ipe.

“Aba’y ganoon ba, Ipe,” ani Inggo, “ayos iyan upang magamit muli, lalo na’t nakikita nating tila nababoy na ang partylist system. Pinasok na ng mga hindi naman galing sa marginalized sector ang partylist system. Tulad ni Miko Arro na first nominee ng Guardia partylist ngunit hindi naman gwardya, kundi artista. May isa pang mayaman na first nominee ng party list ng Magbabalut. Aba’y talagang nawala na sa tunay na diwa ang party list system, na imbes mula sa hanay talaga ng mga mahihirap at maliliit  ay mula pa  sa mga trapong pulitiko.”

“Ibig sabhin niyan, Inggo” ani Ipe, “halos nawala na talaga ang esensya ng labindalawang saray o sektor ng sagigilid sa partylist. Buti na lang may partylist pa na kumakatawan sa mga magsasaka,  kabataan, manggagawa, kababaihan, at iba pang aping saray ng lipunan. Ang tanong na lang, maipapanalo ba sila?”

Malayo-layo roon si Igme habang nakaupo sa karinderya ni Aling Isay, subalit dinig niya ang pinag-uusapan. Maya-maya’y sumabat siya, “Iyung tinatawag n’yong sagigilid ay marginalized pala. Alam n’yo ba, na inaral ko rin iyan noon, kaya lang mga alipin sila. May tinatawag ngang aliping namamahay at aliping sagigilid.”

“Kung natatandaan mo,” ani Inggo, “pakipaliwanag muli.”

Kaya agad nagpaliwanag si Igme, “Ayon sa pagkakatanda ko, ang aliping namamahay ay yaong karaniwang taong nakatira sa kanilang sariling bahay, na maaaring magkaroon ng ari-arian ngunit hindi lupa, at may karapatang magpakasal at magpamana ng mga ari-arian sa kanilang mga anak. Kabaligtaran naman nito ang aliping sagigilid sapagkat sila ang pinakamababang uri ng aliping nakatira sa bahay ng amo, walang ari-arian o kalayaan, maaaring ipagbili, at hindi makakapag-asawa nang walang pahintulot, di gaya ng isang modernong alipin o kasambahay.”

“Salamat sa paliwanag mo,” ani Ipe, “Ganyan din naman ang mga modernong sagigilid. Walang ari-arian, kundi lakas-paggawa, na kanilang ibinebenta kapalit ng sahod. Sila ang nagbebenta ngunit ang bumibili pa ang nagtatakda ng presyo. Di ito gaya sa palengke na ang nagbebenta ang nagtatakda ng presyo, hindi ang bumibili.”

Nagpatuloy si Igme, “Kahit nga iyong salitang timawa, ngayon ay kawawa. Subalit noon, ang timawa ay yaong mga hindi alipin, kundi mga taong malaya. Ibig sabihin lang, umuunlad at nag-iiba-iba ang mga salita. Tulad ng margin sa papel, iyon ang gilid. Kaya ang marginalized na mula sa margin, iyon ang sagigilid na salitang mula sa gilid. Kaya nga, dapat na ating gamitin ang salitang sagigilid bilang katumbas ng marginalized, at hindi mardyinalisado, na parang itlog na malasado. Para rin iyang salitang iskwater na ngayon ay ginawang ISF o informal settler families.”

Sumagot si Inggo, “Maganda ang paliwanag mo. Subalit paano natin iyan maipapalaganap, lalo na’t pinag-uusapan natin iyang partylist system? Ang mungkahi ko, gamitin natin ang ating panulat. Maglabas tayo ng aklat ng mga sanaysay, puna, kwento at tula, na maaari nating pamagatang ‘Ang mga kasalukuyang sagigilid: Ang partylist system sa ating panahon.’ Ano sa palagay n’yo?”

“Ayos ka ring mag-isip, ah. Bagamat may katagalan iyan, aba’y atin nang simulan. Ang kakayahan ko’y magsulat ng polyeto, kaya isusulat ko na iyan.” Ani Ipe, “Ikaw naman, magaling kang tumula. Itula mo na. Si Igme naman ang pag-upak sa binaboy na partylist system, na maaari niyang isulat sa mga letter-to-the-editor. Subukan din nating sumulat sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) upang magamit din nila ang luma ngunit taal na salita natin sa marginalized.”

“Okay,” sabi ni Igme, “Sisimulan ko na ang ating paninindigan laban sa pagbaboy ng burgesya sa partylist at paggamit natin ng sagigilid bilang tiyak na salin ng marginalized. Gumagabi na. Maraming salamat.”

* Unang nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang samahang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Pebrero 16-28, 2019, pahina 14-15.

Huwebes, Pebrero 14, 2019

Kwento - Apat na obligasyon ng bawat pamahalaan sa karapatan sa paninirahan


APAT NA OBLIGASYON NG BAWAT PAMAHALAAN SA KARAPATAN SA PANINIRAHAN
Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr.

Ano nga ba ang karapatan sa paninirahan? Isa ito sa mga isyung nakaharap ko nang maging staff ako ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) noong 2001. At ngayong nahalal na ako bilang sekretaryo heneral ng KPML nitong Setyembre 2018, mas lumaki ang responsabilidad ko upang ituro sa mga kapwa maralita kung ano nga ba ang karapatan sa paninirahan.

Napakahalaga para sa bawat tao o bawat pamilya na magkaroon ng sapat na paninirahan. Paninirahang hindi siya maiirita, kundi tahanang siya o sila'y masaya. Ngunit sa maralita, lalo na sa mga lugar ng iskwater, maraming demolisyon ang nagaganap; maraming maralita ang nawawalan ng tahanan. Ngunit kasalanan ba ng mga maralita na tumira sila sa barung-barong, gayong dahil sa kahirapan ay yaon lamang ang kanilang kaya? Katunayan, ilan sa mga labanang nasaksihan ko ay ang demolisyon sa Sitio Mendez, North Triangle at sa Brgy. Mariana, na pawang nasa Lungsod Quezon. Taon 2013, ayon sa pagkakatanda ko, nang mademolis sina Ka Sandy sa kanilang lugar sa Mariana. Subalit nalipat na sila sa kung saan may kapayapaan ang kanilang isip. Taon 1997 nang sina Ka Linda ng Sitio Mendez ay nademolis at muling nakabalik sa kanilang lugar matapos ang higit isang buwan sa Quezon City Hall matapos idemolis.

May mga ilan akong natutunan na nais kong ibahagi, di lang sa kanila o sa kapwa dukha, kundi sa malawak na mamamayan. Ayon sa aking mga pananaliksik, sa ilalim ng International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights (ICESCR) ng United Nations, may APAT NA OBLIGASYON ang bawat gobyerno hinggil sa karapatan para sa sapat na pabahay:

1.To recognize - PAGKILALA - obligasyon ng Estado na kilalanin ang karapatan sa pabahay ng sinuman at tiyaking walang anumang batas o patakarang sasagka sa karapatang ito;

2. To respect - PAGGALANG - tungkulin ng Estado na igalang ang karapatan sa sapat na pabahay, kaya dapat nitong iwasan ang pagsasagawa o pananawagan ng sapilitang pagpapaalis o pagtanggal ng mga tao sa kanilang mga tinitirhan;

3. To protect - PAGPROTEKTA - tungkulin ng Estado na protektahan ang karapatan sa pabahay ng buong populasyon, kaya dapat nitong tiyakin na anumang posibleng paglabag sa mga karapatang ito na gagawin ng ikatlong partido (third party) tulad ng mga landlord at developer ay maiiwasan;

4. To fulfill - PAGGAMPAN - ang obligasyon ng Estado na magampanan ang tungkulin sa karapatan sa pabahay ay positibo at may pakikialam, kaya pumapasok dito ang tungkulin ng Estado hinggil sa isyu ng pampublikong gastusin (public expenditure), regulasyon ng gobyerno sa ekonomya at pamilihan sa lupa (land market), mga probisyon sa pampublikong serbisyo at kaugnay na imprastruktura, paggamit ng lahat ng available resources, at iba pang positibong obligasyong lilitaw para positibong magampanan ang tungkulin sa karapatan sa pabahay ng lahat.

Kailangang kabisado natin ang mga ito lalo na sa pagtalakay nito sa mga taga-gobyerno at sa mga samahang maralita. Lalo na’t marami sa maralitang dinemolis at dinala sa relokasyon ang hindi naman talaga nabibigyan ng sapat na pabahay, ayon sa negosasyon sa kanila bago sila idemolis, bagamat marami talaga sa kanila ang sapilitang tinanggalan ng bahay. Bahala na ang maralita sa erya ng relokasyon pagdating sa pabahay. Ang matindi pa ay ang pagiging negosyo ng pabahay, imbes na serbisyo. Patunay dito ang tinatawag na escalating scheme of payment na kasunduan para sa pabahay, na hindi naman kaya ng mga maralita. Madalas batay sa market value ang presyo ng pabahay, habang hindi pinag-uusapan ang capacity to pay ng maralita.

Sinabihan nga ako ni Ka Pedring, “Ipalaganap natin ang karapatan sa paninirahan at ipamahagi natin ito sa mga erya ng KPML at sa labas ng ating pinamumunuan. Hindi man naipapabatid sa atin ng pamahalaan ang ating mga karapatan sa paninirahan, tayo ang magbabahagi nito sa pamahalaan at sa ating kapwa maralita.”

Sumang-ayon naman kami sa National Executive Committee (NEC) na mahalagang maipalaganap ang karapatan sa paninirahan. Ah, dadagdagan ko pa ang pananaliksik hinggil dito lalo na’t marami palang pandagdigang kasunduan hinggil sa ating karapatan sa pabahay.

* Unang nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang samahang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Pebrero 1-15, 2019, pahina 14-15.