Natitipon dito ang mga sulating aktibista ng iba't ibang manunulat mula sa mga organisasyong mapagpalaya. Ang mga natitipon dito'y inilalathala bilang isang aklat na pinamagatang "TIBAK: Katipunan ng Panitikang Aktibista". Ang unang aklat ay nalathala noong Disyembre 2008.
Huwebes, Agosto 20, 2020
Nasa aking dugo ang pagiging Katipunero
Miyerkules, Agosto 12, 2020
Planado o palyado ang tugon sa pandemya
Lunes, Agosto 10, 2020
Alagaan natin ang planetang Earth
Aktibista'y lumalaban sa terorismo
Linggo, Agosto 9, 2020
Tula yaong nagpapanatili sa katinuan
Sabado, Agosto 8, 2020
Ako'y aktibista
Nilay sa paglisan
Biyernes, Agosto 7, 2020
Tibak sa gabay ng Kartilya ng Katipunan
"Ang buhay na hindi ginugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim kundi man damong makamandag." ~ unang taludtod ng Kartilya ng Katipunan
tibak akong nabubuhay sa gabay ng Kartilya
ng Katipunan at kumikilos para sa masa
na ipinaglalaban ang panlipunang hustisya
asam na ginhawa'y kamtin ng bayang umaasa
ayokong matulad lang sa kahoy na walang lilim
na iwing buhay nga'y payapa ngunit naninimdim
ako'y aktibista, abutin man ng takipsilim
kumikilos kaharapin man ay ubod ng talim
pariralang "Iisa ang pagkatao ng lahat!"
ay mula kay Gat Emilio Jacinto na sumulat
ng akdang Liwanag at Dilim na sadyang nagmulat
sa akin at sa iba nang ito'y aming mabuklat
kaya ang pagtatayo ng lipunang makatao
ay pangarap na ipinaglalaban ng tulad ko
sino bang di kikilos kung pangarap mo'y ganito
na walang pagsasamantala ng tao sa tao
kaya buhay ko'y laan na sa marangal na layon
kaya sosyalismo ni Jacinto'y ginawang misyon
sakali mang tumungo sa madugong rebolusyon
ay masaya na akong mamamatay kahit ngayon
- gregbituinjr.
Oo, kaming aktibista'y mapang-usig
oo, mga aktibistang tulad ko'y mapang-usig
lumalaban upang mapagsamantala'y malupig
nakikibaka upang hibik ng api'y marinig
sa manggagawa't dukha'y nakikipagkapitbisig
inuusig namin ang paglabag sa karapatan
at mga pagyurak sa dignidad ng mamamayan
nakikibaka para sa hustisyang panlipunan
lumalaban sa mga kapitalistang gahaman
hangad naming itayo ang lipunang makatao
na walang pagsasamantala ng tao sa tao
na karapatan at dignidad ay niterespeto
na ginagalang ang due process o wastong proseso
nakikibaka laban sa pribadong pag-aari
pagkat ugat ng kahirapan at pang-aaglahi
inuusig ang mga mapang-api't naghahari
at nilalabanan ang mapagsamantalang uri
oo, kaming mga aktibista'y tinig ng dukha
nakikibakang kakampi ng uring manggagawa
kaming tibak na kawal ng hukbong mapagpalaya
upang makamit ng bayan ang asam na ginhawa
- gregbituinjr.