KA CASTO ALEJANDRINO, DAKILANG KASAMA
Lyndo Alejandrino Viernes
Siyam na taon na pala ang mabilis na lumipas,
Siyam na taon na palang wala ka sa tabi ko,
Mabilis talagang malagas ang dahon ng panahon,
Subalit sariwa pa rin sa akin ang bawat ala-ala ng kahapon.
Hanggang ngayon ay di nawawala sa aking puso at isipan,
Ang bawat bakas na ating pinagdaanan at pinagsamahan,
Sa araw na ito at sa munti kong paraan,
Hayaan mong sariwain ko ang iyong kadakilaan.
Simula ng ikaw ay lumaya sa maynila tayo ay nagkasama,
Pinapasan mo ako sa iyong balikat sa pamamasyal natin sa luneta,
Pinapaypayan pagmaalinsangan, kung tag lamig ako'y kinukumutan,
Ikaw ang naging unamg guro ko sa laban sa kilusan at bayan.
Isa ka sa mga dahilan kung ano ako ngayon,
Huwarang lider ng mga manggagawa at magbubukid,
Isang pinuno ng HUKBO, na nagtanggol sa BAYAN,
Na hindi nagpatinag sa iyong idolohiya hanggang kamatayan.
Hanggang sa muli nating pagkikita aming KASAMA,
Ang mga turo at aral mo ay patuloy na ikakalat pa,
Di ka man kinilala ng GOBYERNONG ELITISTA,
Sa puso at isapan ko ikaw ay siyang tunay na DAKILA!!!
... isang pag-alala sa araw ng iyong pagpanaw Kasamang CASTO JURADO ALEJANDRINO... o mas kilala sa kilusan bilang Kasamang G.Y. ang unang guro ko sa pakikibaka... ang aking LOLO... ako ay nangungulila pa rin sa iyong presensiya... Salamat ulit sa lahat!!!
(mula sa facebook)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento