Lunes, Nobyembre 23, 2009

Dahil Babae Ako! - ni Michelle Licudine

Dahil Babae Ako!
ni Michelle Licudine


Sapagkat ikaw ay nalikha
ngunit tinakdaan...

Sapagkat ikaw ay gumagawa
ngunti hind binabayaran ng tama....

Sapagkat ikaw ang lumikha
ngunit halaga ay binalewala...

Tumindig ka... Tumindig ka! Tumindig Ka!

Sapagkat ang ating responsibilidad ay hindi
ang mag hugas ng pinggan,
kundi ang marapat na kanin ng kaibuturan...

Sapagkat ang ating responsibilidad ay hindi
ay hindi ang mag Yaya sa anak,
kundi ay pag panday sa kanilang kinabukasan...

Sapagkat ang ating responsibilidad ay hindi
pandag-dag sa kapos na sahod ng asawa,
kundi ay pagsulong sa kabuhayan at hustisya...


Bumangon ka! Tumindig Tayo!
Kapit-Bisig...
Pandayin ang saril.. Halina at sumama.,,,

Halina at mag matrsa.

Humilagpos tayo sa posas na itinakda...

Kumawala sa kadena ng lipunang nagtakda.

(nakita ko ito sa mga luma kong note book, mga 2005 ko ginamit yun, ang ganda siguro agit mode ako ng naisulat ko ito)

Walang komento: